Thursday 2 June 2011

0

Goin Bulilit Goes To Palawan

  • Thursday 2 June 2011
  • Latest Philippine News Headlines
  • Share
  • Ilang linggo na lang, back-to-school na naman ang Goin’ Bulilit Kids. Kaya naman hindi na nila pinalampas ang pagkakataon na mag-summer getaway sa Palawan.

    Sa isang panayam matapos ang kanilang trip, talaga namang na-enjoy ni Sharlene ang natatanging ganda ng Palawan. “Sobrang saya po. Ang ganda ganda sa Palawan. Sana parati kaming summer vacation para nakakapunta kami sa iba’t ibang lugar,” aniya.

    Ang mga boys naman ay tuwang-tuwa at excited sa mga summer activities na kanilang ginawa. “Ang sarap po talagang mag-swimming at maglaro sa tubig,” ani ni Angelo.


    Samantala, walang-humpay na katatawanan ang hatid ng Goin’ Bulilit sa Part 1 ng Puerto Princessa, Palawan special ngayong Linggo, pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN.

    Abangan ang sariling rendisyon ng mga Bulilits ng “Pamela,” na tiyak magpapahagalpak sa sinuman at spoof segment ng mga Bulilits na “Nora D’ Explorer” at “Nagbabalibagang Balita Palawan Special.”

    Ka-cute-an at kakwelahan din ang hatid ng mga sa kanilang handog na “Fish Feeding Gags” at “Payabangan ng mga Bangkero” segment.

    Talagang umaapaw ang sorpresa na hatid ng ika-6 na taon ng Goin’ Bulilit. Huwag palampasin ang Goin’ Bulilit ngayong Linggo, pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN.

    0 Responses to “Goin Bulilit Goes To Palawan”

    Post a Comment