Friday, 4 November 2011

0

REELTIME TO AIR A FULL-LENGTH DOCU ABOUT KPOP EXPLOSION

  • Friday, 4 November 2011
  • Latest Philippine News Headlines
  • Share
  • GMA News TV's ReelTime will air the first ever full-length docu about the KPop explosion, in a documentary titled Hello, Hallyu airing Sunday night at 8:30pm.

    Full press release after the jump...
    PRESS RELEASE FROM GMA NEWS TV:
    Aminin man natin o hindi, unti-unti nang sinasakop ng mga Koreano ang buong mundo… at ang kanilang pinakamalakas na sandata: Hallyu Wave o ang paglaganap ng kulturang Koreano.

    Nagsimula ito sa pagsikat ng kanilang mga Koreanovela, hanggang sa humanga na rin ang mga Pinoy sa kanilang mga naggagandahan at nagguguwapuhang mga mang-aawit.

    Salamat sa internet at social networking sites, mabilis na kumalat ang K-Fever o Korean Fever --- mula Asya hanggang Amerika at Europa!

    Sa Hallyu Dream Festival nitong nakaraang buwan, humigit-kumulang 23,000 na turista mula sa Korea at sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang nagpunta sa probinsya ng Gyeongju para lang makita ang kanilang mga paboritong KPOP idol.

    Patunay na ang kasikatan ng industriyang ito, maaaring tumabo ng milyun-milyong dolyar para sa ekonomiya ng South Korea.

    Sa Pilipinas naman, umaasa ang mga grupong gaya ng Down to Mars na sa pamamagitan ng kanilang pagiging mukhang KPOP idol, maibabalik nilang muli ang interes ng kabataang Pinoy sa OPM.

    Ngayon, ang tanong, kaya ba nating gumawa ng sarili nating Pinoy Fever? Bakit patok na patok ngayon ang Hallyu?

    ReelTime presents Hello, Hallyu! airs this Sunday at 8:30pm on GMA News TV 11.

    Related Stories: GMA NEWS TV'S 'REEL TIME' TO PREMIERE AN EXPERIMENTAL DOCUMENTARY ABOUT MALE STAND-UP COMEDIANS
    DAPITHAPON: REELTIME'S BEST DOCUMENTARY TO DATE

    0 Responses to “REELTIME TO AIR A FULL-LENGTH DOCU ABOUT KPOP EXPLOSION”

    Post a Comment